Wednesday, March 15, 2017

Boracay, pasok sa “Reader’s Choice Award 2016” ng Condé Nast Traveler

Posted March 15, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for boracayNamayagpag ang isla ng Boracay bilang Top 1 sa Condé Nast Traveler Reader’s Choice Award 2016.

Sa nakaraang Sabado ang Condé Nast Traveler ay naglabas ng isang video kung saan makikita dito ang labin-limang pinakamamahal na isla ng mga readers.

Batay sa boto at survey, nangingibabaw pa rin ang katagang “It’s More Fun in the Philippines” kung saan nga napasama ang Boracay bilang top 1 sa Reader’s Choice Award 2016, pumapangalawa naman ang Palawan at nasa ikalimang ranko ang Cebu.

Pinuri ang Boracay dahil sa kaaya-aya nitong baybayin at ang ganda at takaw-pansin na sunset maliban pa sa “nightlife” ng isla.

Nabatid na sunod- sunod ang paghirang sa isla ng Boracay bilang isa sa mga magagandang destinasyon ng mga bakasyonista at mga turista.

Magugunitang noong 2015, ang isla ng Boracay ay nasa sa labin- limang pwesto sa Readers' Choice Award.

Ang Condé Nast Traveler ay isang luxury at lifestyle travel magazine na nakabase sa New York City.

No comments:

Post a Comment