Posted August 29, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Maagang nabiyayaan ng pamasko ang walong daan at
limamput-apat na mga mag-aaral ng Yapak
Elementary School sa isla ng Boracay kahapon.
Ito’y matapos na masuwerti silang napili sa buong Aklan ng
Ayala Cooperative sa pakikipagtulungan sa Boracay Water Company para mabigyan
ng toy library at school supplies.
Taos puso naman ang pasasalamat ng Principal ng Yapak
Elementary School na si Jake Sullano dahil sa mga ibinigay sa mga mag-aaral
kung saan malaki umano itong tulong sa kanila para lalo pang maganahan ang mga
batang mag-aral.
Samantala, mula kinder hanggang grade 6 ay nabigyan ang
mga ito ng gamit sa eskwela katulad ng bag, papel lapis at pati flashlight
kasama na ang raincoat at puting t-shirt.
Ang distribution ng mga School supplies ay pinangunahan
ng mga empleyado ng Ayala Coop. Manila, Boracay Water staff at si SB member Natalie
Paderes ng LGU Malay.
No comments:
Post a Comment