Posted August 24, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Police visibility ang siyang target ngayong ipatupad ng
bagong upong hepe ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) sa buong isla.
Sa panayam sinabi ni BTAC OIC Chief of Police
P/Supt. Danilo Delos Santos na ang
police visibility sa isla ang siyang gusto nitong pagtuuan ng pansin para sa
mas pinaigting na seguridad sa isla.
Ayon kay Delos Santos dapat hindi lang umano sa front
beach nakatutok ang mga police kundi sa iba pang area ng Boracay lalo na sa
Puka Beach kung saan dinarayo rin ito ng maraming turista kasama na ang back
beach.
Maliban dito nasa-plano din umano nitong dagdagan pa ang
police personnel sa brgy. Yapak kasama na ang pagtatayo ng outpost para sa mga
naka-assign na pulis sa lugar at ang paglalagay ng sasakyan.
Si Delos Santos na mula sa probinsya ng Iloilo ay kakaupo
pa lamang bilang bagong hepe ng Boracay PNP kapalit ni Police Inspector Frensy
Andrade.
No comments:
Post a Comment