Posted August 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi na hihiga sa folding bed o mahabang silya ang ilang
pasyente na maiaa-admit sa Aklan Provincial Hospital o Doctor Rafael S.
Tumbukon Memorial Hospital.
Ito’y matapos aprobahan sa House of Representatives ang
bill na humihiling ng karagdagang hospital beds sa nasabing pagamutan.
Nabatid na ang bill na ito ay iniakda ni Aklan representative
Teodorico Haresco Jr., House Bill 5954 na inaprobahan nito lamang Martes.
Napag-alaman na mula sa 162 ay magiging 400 na ang
hospital bed ng Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital.
Samantala, mula sa 100 noong 1975, ang hospital bed
capacity ay tumaas ng 150 noong 1991 sa besa ng Republic Act 7589, at ng
Pebrero naman noong 2010 ay dinagdagan naman ito ng Department of Health na
umabot na sa 162.
No comments:
Post a Comment