Posted August 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Petty crimes umano sa isla ang isa sa pinakaraming
naitatalang record ng mga kapulisan ng Boracay Tourist Assistance Center
(BTAC).
Dahil dito hiniling ni Malay SB Member Floribar Bautista
kay bagong BTAC OIC Chief of Police P/Supt. Danilo Delos Santos na bigyan ng
kopya ng monthly report ng mga blotter ang LGU.
Layun umano nito na malaman nila kung gaano kadami ang
nangyayaring insidente sa Boracay at kung marami ring turista ang nabibiktima
kasama na ang pagkilala sa mga suspek.
Sagot naman ni Delos Santos na maganda ngang mabigyan ng
kopya ang LGU para malaman nila kung ilang kaso ng isidente o krimen ang naitatala
sa Boracay bawat araw.
Dagdag pa ng bagong hepe na karamihan sa mga naitatalang
insidente sa Boracay ay ang nakawan at physical injury.
Samantala, sa pag-upo bilang OIC ng BTAC sinabi ni Delos
Santos na gagawin nito ang kanyang makakaya para mabawasan ang nagyayaring
petty crimes sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment