Posted August
26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng naitatalang
insidente ng near drowning sa isla ng Boracay ngayong buwan ng Agosto.
Ito’y matapos ang pinakabagong insidenteng naitala ng
Philippine Red Cross Boracay-Malay Chapter kahapon ng alas-10 ng umaga sa
harapan ng Uptown-mall station 2.
Nabatid na dalawang babae ang naliligo kahapon ng umaga
kasabay ng malakas na alon sa dagat dulot ng Habagat kung saan bigla nalang ang
mga itong tinangay ng malakas na alon papunta sa malalim na bahagi kung kayat
nahirapan ang mga itong makaahon.
Dahil sa naka-antabay na lifeguard sa harap ng D’Mall
area mabilis na naagapan ang mga ito at naidala sa mababaw na bahagi ng dagat
para bigyan ng paunang lunas.
Paalala naman ng mga lifeguard na iwasan ang maligo sa
medyu malalim na bahagi ng dagat lalo na kung hindi naman marunong lumangoy.
Samantala, mahigit tatlumpo na ang naitalang near
drowning incidents sa Boracay ngayong buwan ng Agosto hanggang sa kasalukuyan.
No comments:
Post a Comment