Posted August 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nasa 31 umano ang nailigtas na buhay ng mga lifeguard ng
Philippine Red-Cross Boracay Malay Chapter dahil sa muntikang pagkalunod ngayon
lamang buwan ng Agosto.
Ayon kay PRC Deputy Administrator John Patrick Moreno
simula umano noong Agosto 1 hanggang kasalukuyan ay nasa 31 ang nailigtas ng
kanilang mga lifeguard volunteer.
Sinabi nito na may mga naisalba umanong buhay sa station
3, 1 at station 2 kung saan karamihahan sa mga naliligo ay sa harap ng D’Mall
area, La Carmela at sa Willy’s Rock.
Nabatid na marami ang naliligo sa dagat sa Boracay sa
kabila ng Habagat na siyang dahilan ng pagkalunod ng mga biktima dahil sa
tinatangay sila ng malakas na alon papunta sa malalim na bahagi ng dagat.
Samantala, pinayuhan ng PRC na kailangan lamang maligo sa
loob ng red at yellow flag kung saan nakabantay ang mga lifeguard na
itinuturing ngayong bayani sa Boracay.
No comments:
Post a Comment