Posted August 27, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tiniyak ng Boracay Task Force ng Philippine Army ang
pagpapalakas ng suporta sa mga force multipliers sa isla na kinabibilangan ng
Philippine National Police at Coastguard.
Ayon kay Civil-Military Operation Officer Lance Medina ng
Camp Jizmundo, Libas Banga, Aklan sa ginanap na Change of Office Ceremony
kahapon sa Manoc-manoc Boracay.
Dapat hindi umano magtaka ang mga tao sa isla kung bakit
may mga Army dahil sila umano ay katuwang sa pagpapaigting ng seguridad sa
pamamagitan ng kanilang itinayong Boracay Task Force.\
Magiging suporta umano ang mga Army sa Boracay sa
pagpapatrolya ng mga kapulisan sa beach area katulad ng foot patrol at bike
patrol kung saan meron silang siyam na bisiklita na ibinigay ni Governor Joeben
Miraflores.
Samantala, kasabay ng ginanap na Change of Office
Ceremony kahapon nagkaroon naman ng blessings sa kanilang bagong tayong Task
Group Boracay Barracks na dinaluhan ng LGU Malay sa pangunguna ni mayor John
Yap mga stakeholders at security forces kung saan natapos ang programa sa isang
masayang boodle fight.
No comments:
Post a Comment