Posted August 29, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mistulang naging Metro Manila ang isla ng Boracay dahil
sa sunod-sunod na nararanasang trapiko nitong mga nakaraang araw lalo na sa
oras ng gabi.
Ito ay dahil sa ginagawang construction sa mainroad ng
Balabag na siyang dahilan ng mahabang trapiko na ikinainis ng mga motorista at
mga commuters.
Bagamat para sa ikakaganda ng kalsada hindi parin
maiwasan ng ilan ang mag-ngitgit sa galit lalo na ang mga pumapasok sa trabaho.
Nabatid na kadalasang umaabot pa sa labin limang minuto
ang tinatagal ng trapiko kung saan damay maging ang mga turista sa Boracay.
Ang nasabing construction sa mainroad Balabag ay proyekto
ng PEO kung saan inaayos nito ang mga area na lubak-lubak ang daan.
No comments:
Post a Comment