Posted May 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Dismayado ngayon ang mga residente at stakeholders sa
isla ng Boracay dahil sa nararanasang sunod-sunod na power interruption nitong
mga nakaraang araw.
Ayon kay Boracay Foundation Incorporated (BFI) President
Jony Salme, nakikita naman umano nitong nag-aayos ng transmission line ang
Aklan Electric Cooperative (AKELCO) sa kanilang mga linya ngunit tanong nito kung
bakit ngayon lang ito inaayos gayong alam naman umano nilang malapit na ang
APEC ministerial meeting sa Boracay.
Aniya, apektado umano sila rito lalo na at madaming
turista ngayon sa isla ng Boracay dahil sa peak season lalo na at nagsisimula
ng nagsidatingan ang mga security forces at personnel ng APEC sa Boracay.
Sinabi naman ni PIO Rence Oczon ng AKELCO na ang nararanasang
power interruption sa Boracay ay dahil sa inaayos ng National Grid Corporation
(NGCP) ang kanilang transmission line sa Nabas-Caticlan upang paghandaan ang
naturang APEC.
Dagdag pa nito na ang naranasang power interruption sa Boracay
kahapon ng umaga ay maaaring huli ng pag-aayos ng NGCP at AKELCO para lamang sa
APEC.
goyard bags
ReplyDeletesupreme
paul george shoes
golden goose
golden goose
goyard outlet
bape hoodie
fear of god clothing
supreme new york
kevin durant shoes