Monday, May 04, 2015

APEC ministerial meeting pinaghahandaan na rin ng bayan ng Kalibo

Posted May 4, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Kalibo, AklanKahit hindi host ang bayan ng Kalibo sa APEC meeting ngayong Mayo, todo naman ang kanilang ginagawang paghahanda at paglilinis para dito.

Katunayan pinangunahan mismo ni Kalibo mayor William Lachica ang clean-up sa national highway mula sa Barangay Pook papuntang Kalibo-Numancia kasama ang local government employees at Kalibo police.

Nakiusap naman si Lachica sa lahat ng mga residente sa bayan ng Kalibo na madadaanan ng mga delegado na kung maaari ay linisan nila ang kanilang mga kapaligiran.

Kaugnay nito ang mga delegado ng APEC ministers meeting ay inaasahang darating sa Kalibo International Airport sa Pook, Kalibo, Aklan at magbibiyahe patungong Caticlan, Malay, Aklan, patawid naman ng isla ng Boracay ngayong susunod na linggo.

Nabatid na ang ministerial meetings ay magsisimula ngayong Mayo 10 kung saan sa Mayo 24 ay magsisismula naman ang Second Senior Officials Meeting and Related Meeting (SOM2) and Trade Ministers Responsible for Trade (MRT) Meeting sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment