YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, May 06, 2015

Minimum wage sa Western Visayas aprobado na sa P298.50

Posted May 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Inaprobahan na nitong Mayo 2 ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 6 ang minimum wage ng mga manggagawa sa Western Visayas.

Ito’y matapos itong inilathala noong Abril 17, 2015 kung saan inaprobahan naman ito at epektibong ipinatupad nito lamang Mayo 2.

Nabatid na ang dating Php287.00 na sinasahod ng mga mangagawa sa Western Visayas ay tinaasan ng Php11.50 na ngayon ay naging Php298.50.

Ayon naman kay OIC DOLE Aklan Field Office Arlene Siaotong, kailangan na itong ipatupad ng lahat ng mga kumpanya o ano mang-uri ng negosyo sa Region 6 na mayroong manggagawa na sumasahod ng minimum wage rates.

Napag-alaman na ang petisyon para sa wage increase ay inapila ng General Alliance of Workers Association (GAWA) na naghahanap ng Php85.00, Php75.00 at Php72.00 daily wage increase sa private sector sa Region 6 para sa Non-Agricultural/Industrial at Commercial workers, Agricultural-Plantation workers, at manggagawa na employed sa establishment na may sampung manggagawa pababa at Non-Plantation workers.

Samantala, hinikayat naman ni Siaotong ang lahat ng mga establisyemento sa Boracay na kung maaari ay ipaskil na nila ang kanilang ibinigay na karatola tungkol sa minimum wage increase ng sa gayon umano ay makita rin ng mga delegado ng APEC na compliance ang mga ito sa ipinapatupad nilang mandato.

No comments:

Post a Comment