Posted May 4, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Positibo umano ang naging resulta ng kakatapos lamang na
LaBoracay 2015 para sa Municipal Tourism Office ng Malay.
Ito ang naging pananaw ni Municipal Chief Tourism
Operations Officer Felix Delos Santos dahil sa nakapagtala umano sila ng mataas
na tourism arrival at isa umano ito sa magandang marketing strategy para sa isla
ng Boracay.
Kauganay nito sinabi pa ni Delos Santos na wala rin
silang naging problema pagdating sa environmental matter dahil sa marami umano silang
naging katuwang para panatilihing malinis ang beach area lalo na kung saan
dumagsa ang maraming tao dahil sa LaBoracay.
Samantala, iginiit pa ni Delos Santos na napaghandaan
nila ngayong taon ang naturang event kumpara noong 2014 kung kaylan ginanap
ang kauna-unahang LaBoracay.
Nabatid na umabot sa 40, 000 hanggang 50,000 katao ang
dumayo sa Boracay nitong nakalipas na tatlong araw para dumalo sa LaBoracay o
malalaking beach party ng sunod-sunod na araw.
No comments:
Post a Comment