Posted May 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito ang sinabi ni Aklan Electric Cooperative (AKELCO) PIO
Rence Oczon matapos na muling maranasan kaninang umaga ang block out sa isla.
Nabatid na nagpalabas ng power advisory ang AKELCO
tungkol sa block-out kaninang umaga na nagsimula ala-5 hanggang alas-8 ngunit
inabot na ito ng alas-10 ng umaga dahil sa naranasang problema sa linya ng
National Grid Corporation (NGCP).
Sinabi ni Oczon na hiniling umano ng NGCP sa AKELCO na
mag-emergency block-out kaninang umaga para ayusin ang jumper sa Nabas-Caticlan
Transmission line.
Aniya, nais ng kanilang kooperatiba at ng NGCP na
maiwasan ang block out sa kasagsagan ng APEC sa Boracay kung kayat ngayon umano
ay patuloy nila itong inaayos bago ang nasabing meeting.
Kaugnay nito sinabi naman ni Oczon na ang nararanasang
power interruption tuwing gabi sa Boracay ay dahil sa marami umano ang gumagamit
kung kayat hindi na makayanang makapagbigay ng suplay lalo na kung mainit ang
panahon na nagdudulot ng problema sa linya ng AKELCO.
Samantala, ikinadismaya naman ng mga kusumedor sa Boracay
ang sunod-sunod na power interruption dahil sa apektado umano ang kanilang mga
negosyo lalo na at masyadong mainit ang panahon.
No comments:
Post a Comment