Tuesday, May 05, 2015

Artistang si Carlene Aguilar pinasalamatan si Mayor Yap sa security, matapos umanong bugbugin ang mister sa Boracay

Posted May 5, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

carlene aguilarSa pamamagitan ng kaniyang “Instagram” account ay pinasalamatan ng actress at dating beauty queen na si Carlene Aguilar si Malay Mayor John Yap.

Ito’y matapos ang kanilang masaklap na karanasan sa pagbakasyon sa Boracay nitong Mayo 1 dahil sa pambubugbog umano sa kanila ng may-ari at anak ng di-umanoy Grand Boracay Resort na kanilang tinutuluyan.

Nabatid na nasangkot ang aktres at ang kanyang asawang si Yo Ocampo sa isang kontrobersya sa kasagsagan ng LaBoracay kung saan ay sinadya umano siyang sunggaban ng anak ng may-ari ng resort sa hall-way ngunit hindi niya ito pinansin dahil sa naramdaman niyang lasing ito.

Salaysay pa ng aktres sinugod umano sila sa kwarto ng may ari at anak nito saka sila pinagkukuyog kung saan napuruhan umano ang asawa nito na mabilis namang naisugod sa isang hospital sa bayan ng Kalibo.

Dahil sa nangyari agad namang ipinatiyak ni Mayor Yap ang kanilang kaligtasan kung saan sinabi ni Carlene na puwede na ulit nilang ma-enjoy ang kagandahan at kasiyahan ng Boracay na safe sila.

Samantala, nalaman ang insidente ng umano’y pambubugbog ng nagsilabasan ito sa social networking sites at ilang blogs at pahayagan.

No comments:

Post a Comment