Monday, May 04, 2015

Cottage ng isang resort sa Boracay nasunog sa kasagsagan ng Pac-May fight

Posted May 4, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Habang nakatutok ang lahat ng tao sa pinakaabangang laban ni Manny Pacquio at Mayweather Jr. kahapon isang cottage naman sa Boracay ang nasusunog.

Ayon kay Frankline Arubang ng Bureau of Fire Protection Unit (BFPU) Boracay, nangyari umano ito kahapon sa Station 3 Ambulong Manoc-manoc Boracay partikular sa Villa Ociana Resort sa nasabi ring lugar.

Aniya, isang cottage sa loob ng resort ang nasunog na pinatutuluyan sa mga guest ng naturang resort na yari naman sa light materials.

Nabatid na may naka check-in na turista sa nasunog na cottage ngunit mabilis naman umano itong nakalisan bago pa matupok ang inuupahang kwarto.

Sa ngayon umano ay nagpapatuloy parin ang kanilang ginagawang embistigasyon tungkol sa pinagmulan ng sunog na tumupok sa isang cottage at nag-iwan ng tinatayang pinsala na P100,000.

Samantala mabilis namang naapula ng BFPU ang apoy katuwang ang Boracay First Responding Brigade sa pangunguna ni Commodore Linard Terol.

No comments:

Post a Comment