Tuesday, May 05, 2015

Mahigit 3,000 pulis mula Region 6 ipapakalat na ngayon para sa APEC Summit sa Boracay

Posted May 5, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for philippine national police
Ngayong araw nakatakdang ipakalat ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit sa tatlong libong mga pulis mula sa Region 6 sa lalawigan ng Aklan at isla ng Boracay.


Kahapon ay dumating na ang daan-dang mga pulis na itatalaga naman sa isla ng Boracay para sa nalalapit na APEC ministerial meeting ngayong susunod na linggo.

Maliban sa Boracay magtatalaga rin ng mga pulis sa Kalibo International Airport kung saan lalapag ang mga delegado na kasama sa APEC meeting.

Ayon naman kay Boracay Tourist Assistance Center OIC PSInsp.Frensy Andrade sasakupin din ng mahigit tatlong libong pulis ang National High-way mula sa bayan ng Kalibo hanggang sa brgy. Caticlan sa bayan ng Malay.

Aniya, lahat ng sulok sa Boracay lalo na ang mayroong mga Sitio. ay lalagyan nila ng mga pulis bago o pagkatapos ng nasabing ministerial meeting.

Kaugnay nito dumating nadin umano ang ipinahiram sa kanilang patrol car mula sa National Capital Region (NCR) para gamitin din sa naturang meeting kung saan inaasahan pa umanong madadagdagan ito ngayong araw.

Samantala, napag-alaman na ang ministerial meeting ay magsisimula ngayong Mayo 10 kung saan sa Mayo 24 ay magsisismula naman ang Second Senior Officials Meeting and Related Meeting (SOM2) and Trade Ministers Responsible for Trade (MRT) Meeting sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment