YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, February 11, 2015

Prosesyon kaugnay ng kapistahan ng Our Lady of Lourdes sa Boracay, gaganapin mamayang hapon

Posted February 11, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Isang prosesyon kaugnay ng kapistahan ng Our Lady of Lourdes sa Boracay ang gaganapin mamayang hapon.


Ayon sa mga taga HRP o Holy Rosary Parish Boracay.

Gaganapin ang prosesyon pagkatapos ng 5pm na Perpetual Help Mass.

Kasabay nito, inaasahan din ang pag-aalay ng bulaklak ng mga deboto ng Birheng Maria bilang paggunita sa kanyang kapistahan ngayong araw na ipinagdiriwang din ngayon sa Barangay Yapak.

Magugunitang tinanggal at pinagiba ang imahe ng Birheng Maria halos limang taon na ang nakakalipas na inalmahan ng Boracay Community at LGU Malay.

Napalitan naman ito at kasalukuyang pinondohan ng LGU Malay ang pagpapaganda ng Boracay Rock ilala din sa tawag na Willy’s Rock.

No comments:

Post a Comment