YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, February 09, 2015

Boracay PNP, may bagong hepe na

Posted February 7, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay


May bago nang hepe ang Boracay PNP.

Ito ang naging usap-usapan mula sa mga taga BTAC o Boracay Tourist Assistance Center sa kabila ng pagdating ng bago na naman nilang OIC o Officer In Charge.

Base sa impormasyon, dumating kaninang tanghali sa isla ng Boracay ang BTAC, sa katauhan ni PSInsp. Frensy Andrade.

Nabatid na galing ang order ng pagtalaga kay Andrade mula sa Aklan Police Provincial Office at epektibo kahapon ang kanyang pag-upo sa pwesto bilang OIC.

Inaasahan naman ang kanyang pormal na pagpapakilala sa gaganaping Joint Flag Raising ng BAG o Boracay Action Group sa Balabag Plaza sa darating na Lunes.

Samantala, nabatid na halos dalawang buwan naring naupo bilang OIC si PSInsp.Fidel Gentallan matapos sinibak sa puwesto si dating Boracay PNP Chief PSInsp. Mark Evan Salvo dahil sa sinasabing police management.

No comments:

Post a Comment