Posted February 7, 2015
Ni Gloria Villas, YESFM Boracay
Sa ginanap na 5th SP Regular Session,
tinalakay ang nasabing usapin, kung saan nabatid na nasa 500 thousand pesos ang
inilaan na budget para sa DOT Highway beautification project.
Nabatid na ang nasabing pondo ay para sa
pagpapaganda ng Kalibo International Airport papuntang Caticlan at ruta ng
Malay bilang bahagi ng preparasyon sa APEC Summit sa darating na Mayo ngayong
taon na gaganapin sa isla ng Boracay.
Samantala, napag-alaman na abala na rin ngayon ang
iba pang mga ahensya ng gobyerno sa probinsya
na mas mapaganda pa ang kanilang serbisyo lalo’t nalalapit na ang
nasabing aktibidad.
No comments:
Post a Comment