YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, February 12, 2015

Mga DOT accredited resorts at hotels sa Boracay nitong 2015, tinatayang 46 na

Posted February 12, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Image result for accreditedTinatayang nasa 46 na ang mga accredited na resorts at hotels sa Boracay para sa taong 2015.

Ito ang ibinigay na datus ng Department of Tourism (DOT) Boracay Sub-Office Team Leader Kristoffer Leo Velete base sa kanilang istatistika.

Anya, sa ngayon ay wala pa silang eksaktong record tungkol dito, subalit kung titingnan ay nasa 46 na umano ito ngayong taon.

Kaugnay nito, nabatid na may iilan pa ring mga resorts at hotels na walang kaukulang akreditasyon sa DOT ang nag-o-operate sa isla ng Boracay para sa on-line booking.

Kaya naman payo ni Velete sa mga lokal at dayuhang turista na mas pinipili ang on-line booking, na suriing maigi ang kino-contact na resort o hotel sa internet kung kumpleto ito ng mga dokumento sa lokal na pamahalaan.

Mas maigi din umanong kunin ang lokal number at hindi ang cellphone number para masiguro at hindi na malito, kung saan bandang resort nagpa-book.

Samantala, nabatid na may isang pamilyang turista ang tinulungan ng BTAC at DOT Boracay nitong Sabado na matunton ang kanilang tutuluyang hotel dahil mahirap din hanapin.

No comments:

Post a Comment