YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, February 11, 2015

Motorsiklo sa Boracay, na-hit and run ng lasing na drayber

Posted February 10, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for hit and run accidentKapag mabagal ka sa pagmamaneho, maabutan ka ng disgrasya.

Kapag mabilis ka, maabutan mo naman ang disgrasya.

Ito kung minsan ang naririnig na kasabihan kaugnay sa aksidente sa kalsada.

Subali’t sa kaso ng nangyaring hit and run kaninang umaga sa Barangay manoc-manoc, hindi lang naabutan kungdi nasalubong talaga ng mga biktima ang disgrasya.

Base sa report ng Boracay PNP station, nangyari ang insidente habang binabaybay ng drayber ng motorsiklong Motopos 110 na si Valencia at ang maglolang pasahero ang access road ng Sitio Tulubhan.

Isang hindi nakilalang drayber ng motorsiklo ang bigla na lamang umagaw sa kanilang lugar.

Sinubukan pa umanong iwasan ito ni Valencia, subali’t nahagip parin ang mga ito ng drayber.

Samantala, kaagad namang tumakas ang nasabing motorista matapos itong sumemplang sa kalsada dahil sa kalasingan umano nito.

No comments:

Post a Comment