YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, February 12, 2015

Australiana, ninakawan ng 11, 000 pesos at gadget sa Boracay

Posted February 12, 2015
Ni Gloria Villas, YESFM Boracay

Image result for theftHumingi ng tulong sa Boracay PNP Station ang isang Australiana matapos na mabiktima ng kawatan sa Boracay.

Kwento ng biktimang si Julia Tausch, iniwan nito kahapon ng hapon ang kanyang bag sa harapan ng isang resort sa Balabag Boracay at saka namasyal kasama ang kaibigan.

Subalit nang balikan na umano nila ang lugar ay nawawala na ang kanyang bag na naglalaman ng 11 libong piso na pera, ATM Card at isang cellphone.

Samantala, habang pinaghahanap umano nila ang nasabing bag kasama ang ilang mga staff ng resort doon ay saka nakita ito sa bandang unahan ng resort.

Subalit nang buksan ay wala na pala itong laman at pinaniniwalaang tinangay na ng hindi nakilalang magnanakaw.

Kaugnay nito, nagpapatuloy naman ngayon ang imbestigasyon ng mga pulis sa kaso.

No comments:

Post a Comment