YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, January 18, 2014

Suporta ng BPI Globe BanKo sa E-Trike program ng LGU Malay, pinasalamatan ni Mayor John Yap

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Pinasalamatan ni Mayor John Yap ang suporta ng BPI Globe BanKo sa E-Trike program ng LGU Malay.

Sa ginanap na launching para sa mga bagong E-Trike sa isla kaninang umaga.

Sinabi ng alkalde na mapapadali ang pagpapatupad ng mga nasabing sasakyan sa isla dahil sa suporta ng BPI Globe BanKo.

Ang BPI Globe BanKo umano kasi ang nagpondo para sa magkaroon ng mga E-Trike sa Boracay.

Samantala, sinabi din nito na hindi umano basta-basta ang pagpapatupad ng nasabing programa kung saan inabot pa ng dalawang taon bago ito tuluyang maipatupad.

Ito’y dahil kinailangan munang e-testing ang mga nasabing sasakyan.

Magkaganon paman, sinabi pa ng alkalde na determinado ang lokal na pamahalaan na sa magiging E-Trike na ang gagamitin sa isla sa taong 2015.

Hinihikayat din nito ang kooperasyon ng mga stakeholders at residente sa isla na suportahan ang E-Trike program.

No comments:

Post a Comment