Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Maaaring maghigpit ang sanitation office ng pabibigay ng sanitation
permits sa mga meat at fish vendors sa bayan ng Malay.
Itoy matapos ang naging problema sa sanitation ng Malay public market
sa baranggay Caticlan kung saan nakatanggap ng reklamo ang LGU Malay mula sa
mga mamimili dahil sa sira-sirang tindahan at hindi kalinisang lugar.
Ayon kay Malay Sanitation Inspector Ma. Lyn Fernandez, hindi sila
nag-iisue ng permit sa mga vendors kapag ito’y hindi makakapasa sa mga
requirements nila kabilang na ang kalinisan ng lugar na pinagbibintahan ng mga
vendors.
Patuloy rin umano ang kanilang ginagawang monitoring pati na sa mga
kabaranggayan sa Malay na nagbibinta ng mga panindang isda at meat products.
Mahigpit din nilang ipinagbabawal ang pagbibinta sa mga lugar na kung
saan ay malapit sa mga maduming paligid at sa mga lugar na maraming hayop.
Nabatid na maraming mga vendors ang hindi nabigyan ng sanitation permit
mula sa LGU Malay pero patuloy parin ang pagbibinta sa mga palenge.
No comments:
Post a Comment