Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Muling napag-usapan kahapon sa session ang problema ng sanitation sa
Malay Public market sa baranggay Caticlan.
Sinabi kasi ni SB Member Manuel Delos Reyes sa nakaraang SB sesyon na
hindi niya nagustuhan ang sitwasyon ng sanitation ng nasabing palengke dahil sa
mga nakakalat na basura at sira-sirang mga lamesa at bubong ng mga tindahan.
Dahil dito muli itong naitalakay sa session kahapon kung saan dinaluhan
ito ng Environmental Management Specialist Engr. Tresha Lyn Lozanes at
Sanitation Inspector na Ma. Lyn Fernandez.
Ito’y para sagutin ang mga tanong SB Malay kung bakit nagkakaroon ng
ganitong problema sa tindahan lalo na at ang bayan ng Malay ang siyang first
class Municipality sa buong probinsya ng Aklan.
Samantala, kahit may plano umanong ayusin ang Caticlan public market.
Iginiit parin ni SB Member Jupiter Gallenero na dapat paring ayusin ang
sanitation nito dahil ito ang pangunahing binibilhan ng pagkain araw-araw.
Nangako naman si Fernandez na mabibigyan ng solusyon ang problemang
ipinaabot ni SB Member Manuel Delos Reyes kaugnay sa sanitation ng Caticlan
Public Market.
No comments:
Post a Comment