Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kasado na ang Aklan Provincial Police Office o APPO para
sa gagawing siguridad sa long week celebration ng Kalibo Ati-Atihan Festival.
Ayon sa Aklan Provincial Police office, ide-deploy nila
ang kanilang mga kapulisan sa ibat-ibang area sa Kalibo lalo na sa Pastrana
Park na inaasahang dadagsain ng libo-libong katao.
Nabatid na magdadagdag ng mga pulis mula sa kalapit na
probinsya para lalong paigtingin ang siguridad sa Ati-Atihan Festival.
Kaugnay nito inilabas na rin ng Kalibo Santo NiƱo
Festival Inc. o KASAFI ang listahan ng ibat-ibang programa ngayong linggo.
Kabilang na dito ang Higante’s Parade na gaganapin sa
araw ng Huwebes, tampok ang “Disney themed” ng ibat-ibang bayan sa probinsya ng
Aklan.
Isa pa sa mga binabantayan ng Aklan PPO ay ang maaaring pagsalakay
ng mga grupo ng may masamang pakay sa nasabing okasyon.
Paalala ng mga otoridad na huwag nang magdala ng
mamahaling gamit at alahas kapag pupunta sa Ati-Atihan Festival.
Samantala, patuloy na rin ang pagdagsa ng maraming
turista sa bayan ng Kalibo para saksihan ang Mother of All Festival sa bansa.
No comments:
Post a Comment