YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, January 17, 2014

Pasilidad sa Caticlan Jetty Port, preparado na para sa pagdagsa ng maraming turista sa Boracay

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Handa na ang mga pasilidad sa Caticlan Jetty Port sa inaasahang pagdagsa ng maraming turistang dadayo sa isla ng Boracay.

Ito’y kaugnay sa pagdiriwang ng Kalibo Sr. Sto. Niño Ati-Atihan Festival, na kung saang maraming turista ang pupunta sa Boracay matapos ang nasbing kapistahan.

Ayon kay Special Operation 3 Jean Pontero ng Cagban Jetty Port.

Dalawang X-ray luggage machine ang ginagamit sa jetty port, pero sa ngayon umano ay isa lang ang kanilang ginagamit dahil dinidepende din nila ito sa mga pumapasok na turista kung gaano kadami.

Dagdag pa ni Pontero, wala namang problema sa mga machine at pasilidad ng Caticlan Jetty port at ng Cagban jetty port.

Sa kabilang banda, halos pumalo na umano sa 63, 000 ang tourist arrival sa isla ng Boracay nitong pagpasok ng bagong taon hanggang kahapon.

Nabatid naman na hihigitan ng Department of Tourism o DOT ang kanilang target sa tourist arrival ngayon taon kumpara noong 2013.

No comments:

Post a Comment