YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, January 17, 2014

Launching para sa mga bagong E-Trike sa isla, gaganapin ngayong araw

Ni Christy Dela Torre, YES FM Boracay

Masisilayan na ngayong araw ng publiko sa isla ang 15 bagong E-Trikes.

Launching kasi ngayong araw ng mga nasabing E-Trike sa Barangay Balabag Plaza kasabay ng pagbibigay ng certificate sa 15 tricycle operator para mapapa-sakanila na ang E-Trike.

Ayon kay dating Sangguniang Bayan Member at kasalukuyang E-Trike Program In Charge Dante Pagsugiron, may ilang mga miyembro ng kooperatiba na naunang nakapag-apply para sa E-Trike at nagmamadali na rin umanong ma-implement ang paggamit nito.

Malaki kasi aniya ang advantage o pakinabang ng E-Trike sa mga operator kung ikukumpara sa mga conventional na tricycle.

Bukod sa iwas ‘noise at air pollution’, makakatipid pa ang mga driver kapag E-Trike na ang kanilang gagamitin.

Ayon pa kay Pagsuguiron, maging ang mga stakeholder sa isla ay nais na ring masilayan na E-Trike na ang bumibiyahe sa isla.

Kung kaya’t dahil dito, bilang in charge sa E-Trike program ay mas lalo pa niya itong pinursige na maipatupad sa isla.

At sa tulong umano ng konseho at ni Mayor John Yap ay unti-unti na itong naipapatupad ngayon sa isla ng Boracay.

Nabatid mula kay Pagsuguiron na ang Gerweiss Motors Corporation ang supplier ng naturang mga E-Trike sa isla.

No comments:

Post a Comment