YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, January 14, 2014

Board of Director’s District Election 2014 ng AKELCO, ilalarga na sa darating na Marso

Ni Bert Dalida Yes FM Boracay

Nakatakdang magsagawa ng Board of Director’s District Election ang Aklan Electric Cooperative (AKELCO) sa darating na buwan ng Marso.

Kaugnay nito, inilabas na ng AKELCO ang kanilang schedule of activities para sa apat na distrito na kinabibilangan ng Kalibo at Numancia para sa District 5, New Washington at Batan para sa District 7, Ibajay at Nabas para sa District 3, at Boracay para sa District 10.

Base sa press release ng AKELCO, kasama sa mga itinakdang aktibidad ang mga sumusonod:

Posting of notice for district election, posting of master list, filing of certificate of candidacy, prelim at final screening of candidates, posting of list of candidates, at election day.

Nabatid na gaganapin sa iba’t-ibang petsa ang nasabing eleksyon kung saan, sa darating na ikawalo ng Marso ang para sa District 5; sa petsa a kinse ang para sa District 7; a bente dos para sa District 3, at sa ika-29 sa District 10 sa isla ng Boracay.

Nagpahiwatig naman ang AKELCO na bukas ito sa pagtanggap ng mga gustong kumandidato bilang board of director sa kanilang kinabibilangang distrito.

No comments:

Post a Comment