Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Pinag-iingat ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) Boracay ang mga turista dahil sa malakas na alon.
Ito’y dahil sa Low Pressure Area (LPA) na
nararanasan ngayon sa bansa.
Ayon kay PCG-Boracay Asst. Sub-Station Commander
Roque Borja.
Nararapat na iwasan ng mga turistang mag-island
hopping at pumunta sa mga malalayong bahagi ng isla para maiwasan ang
aksidente.
Dahil din kasi sa nararanasang LPA kung kaya’t
pansamantalang ipinatigil ang byahe ng mga bangka kagabi.
Samantala, una namang pinayuhan ng National
Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga gumagamit ng
maliliit na sasakyang pandagat na iwasan ang pagpapalaot.
Huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa
layong 70 kilometro sa timog kanluran ng Cagayan de Oro City.
No comments:
Post a Comment