YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, January 02, 2014

Mga Force Multipliers sa Boracay, nasa standby mode na para sa seguridad ng isla

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Nasa standby mode na para sa seguridad ng isla ang mga Force Multipliers sa Boracay.

Ayon kay Boracay PNP Deputy Chief Police Inspector Kennan Ruiz, nakaalerto na ang mga nasabing force multipliers na kinabibilangan ng MAP o Municipal Auxiliary Police-Boracay, Kabalikat Civicom, Kabayan, Guardians, Coastguard Auxiliary, Army Reservist, at TREU o Tourism Regulatory Enforcement Unit.

Napag-usapan na rin umano nila nitong mga nagdaang linggo ang set-up ng seguridad sa isla, lalo na sa pagsalubong sa bagong taon mamayang hatinggabi.

Kaugnay nito, umaasa naman ang buong Boracay PNP na magiging mapayapa ang selebrasyon mamaya.

No comments:

Post a Comment