Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Patitingnang muli ni dating Malay Vice Mayor Cesiron Cawaling sa SB ang
mga benipisyo ng nga senior citizens sa Boracay.
Ito ang sinabi ng dating alkalde kaninang umaga sa programang inihanda
ng mga senior citizens sa Boracay, kaugnay sa pagdiriwang ng ika-117th
anniversary ng pagkamartir ng ating bayaning si Jose Rizal.
Ito’y matapos mabatid ni Cawaling mula sa mga senior citizens na hindi
umano nila naa-avail ang kanilang diskuwento sa mga pampublikong sasakyan at
maging sa mga bangka.
Kaugnay nito, nangako si Cawaling na kanyang patitingnang muli sa
Sangguniang Bayan ng Malay ang naturang usapin.
Samantala, hinimok din nito ang mga opisyal ng mga senior citizens sa
isla na dapat magkaroon ng programang aalalay sa kanila.
No comments:
Post a Comment