Ni Bert Dalida Yes FM Boracay
Hindi napigilan ng masamang panahon ang ating mga Senior
Citizens ng Boracay upang gunitain ang Rizal Day.
Katunayan, isang programa ang sama-samang inihanda ng mga
senior citizens ng Barangay Manoc-manoc, Balabag, at Yapak kaninang umaga sa
mismong Balabag Plaza.
Matapos ang kanilang sponsored mass na pinangunahan ni
Father Nonoy Crisostomo ng Holy Rosary Parish Boracay.
Nag-alay ng awitin at humataw sa sayaw ang mga nasabing senior
citizens, bago nag-alay ng bulaklak sa monumento ni Gat Jose Rizal.
Sa nasabing programa, sinabi ni Senior Citizens Boracay
President Rufina ‘Pines’ Villaroman na kailangang magkaisa ang mga Senior
Citizens sa buong Boracay, upang manatiling inspirasyon at hangaan ng kanilang
kapwa at maging ng mga kabataan.
Samantala, lalong naging masaya ang naturang programa,
nang magbigay ng kanyang mensahe sa dating Vice Mayor Cesiron Cawaling kanina.
Sinabi nito na dapat ugaliin nila ang pag-eehersisyo,
upang maabot o mahigitan pa ang edad na isang daan, na hindi nangangailangan ng
gamot.
Sabay-sabay namang ginugunita sa buong bansa ang ika- 117th
death anniversary ng ating bayaning si Dr. Jose Rizal.
No comments:
Post a Comment