Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ito ang sinabi ng dating alkalde kaninang umaga sa
programang inihanda ng mga senior citizens sa Boracay, kaugnay sa pagdiriwang
ng ika-117th anniversary ng pagkamartir ng ating bayaning si Jose Rizal.
Ito’y matapos mabatid ni Cawaling mula sa mga senior
citizens na hindi umano nila naa-avail ang kanilang diskuwento sa mga
pampublikong sasakyan at maging sa mga bangka.
Kaugnay nito, nangako si Cawaling na kanyang patitingnang
muli sa Sangguniang Bayan ng Malay ang naturang usapin.
Samantala, hinimok din nito ang mga opisyal ng mga senior
citizens sa isla na dapat magkaroon ng programang aalalay sa kanila.
No comments:
Post a Comment