Ni Bert
Dalida, Yes FM 911 Boracay
Kapansin-pansin na nakikipagsiksikan din sa pagbili ng mga nasabing prutas maging ang mga
foreigner sa Boracay, na tila balewala kung magkano man ang presyo ng kanilang
bibilhin.
Patok sa mga
pangunahing fruit stands sa isla ang mga round fruits katulad ng chico, melon,
fuji apples, ponkan at kiat-kiat na sinasabing pampasuwerte sa pagpasok ng
bagong taon.
Ayon kay
‘Aling Neng’ kanina, Disyembre 29 pa lamang nang sinimulan na nitong bumili ng
prutas na bilog, subali’t inunti-unti na rin umanong kinain ng kanyang mga
‘tsiketing’.
Samantala,
aminado naman ang ilang mga fruit stand owners sa isla, na bahagyang tumaas ang
kanilang panindang prutas ngayong araw.
No comments:
Post a Comment