Ni Jay-Ar Arante, YES FM Boracay
Naka-focus ngayon ang DOT Boracay sa promosyon at marketing para sa
isla ng Boracay ngayong taong 2014.
Ayon kay DOT Officer In Charge Tim Ticar, mag-iimbita sila ng maraming
bisita para ma-encourage ang mga ito na mag-establish ng business sa isla at sa
probinsya kasama na ang Western Visayas.
Magdadala din umano sila ng mga Canadian Investors sa Western Visayas, Boracay
at Aklan ngayong January 18, 2014.
Dagdag pa ni Ticar, nakatakda ding mag-imbita ang ahensya ng maraming
cruise ship para bumisita sa isla nang sa ganun para ma-iposisyon ang isla bilang “haven for cruise ship
destination”.
Kaugnay nito, inaasahang mahigit sa sampung mga cruise ship pa aniya at
mas lalo pang dadami ang mga turistang magbabakasyon sa isla ng Boracay ang
inaasahang dadayo ngayong taon.
No comments:
Post a Comment