YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, January 03, 2014

Boracay Ati-Atihan 2014, pinaghahandaan na

Ni Christy Dela Torre, YES FM Boracay

Matapos ang mga paghahanda para sa selebrasyon ng kapaskuhan at bagong taon, pinaghahandaan naman ngayon ng lokal na pamahalaan ang 2014 Boracay ati-atihan sa isla ng Boracay.

Sa Enero a-dose, taong kasalukuyan ang araw ng selebrasyon ng Ati-Atihan sa isla, ngunit simula pa lamang sa Enero a-nuebe ay magsisimula na ang selebrasyon.

Ayon kay Felix Delos Santos Jr., Chief Tourism Operations Officer.

Abala na sila sa pag-iimbita sa lahat ng mga residente maging sa mga stakeholders na sumali at makisaya sa taunang selebrasyon ng Ati-Atihan sa isla.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang kanilang pangangalap ng mga sponsorship para sa nabanggit na selebrasyon, lalo pa nga’t marami silang inihandang mga event.

Bukod sa lokal na pamahalaan, ang Boracay Ati-Atihan ay pangungunahan din ng Holy Rosary Parish Pastoral Council at Brgy. Balabag Council kung saan layunin itong mas lalo pang maging malapit ang mga Boracaynon kay Sto. NiƱo.

Partikular na sa pagdating sa promosyon din ng mga tradisyon at kultura ng Boracay Ati-Atihan sa mga turista at makapag-likha din ng mas mabuting pagkakaunawaan may kinalaman sa turismo ng isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment