YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, January 02, 2014

Mga fireworks sa Boracay naging atraksyon pa rin sa bagong taon kahit umulan

Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay

Dinagsa pa rin ng mga residente at turista ang pinaka-aabangang atraksyon sa Boracay tuwing pagsalubong ng bagong taon , and fireworks display.

Halos labing-limang minuto bago mag alas-dose ay bumuhos ang ulan sa buong isla kung saan ang ilan ay hindi na nakalabas ng kanilang bahay.

Subalit ,dahil na rin sa nakagawian na ng mga taga-isla at ng mga turista na ang ilan ay dumayo para saksihan ang ganitong atraksyon ay dinumog pa rin ito.

Sa beach front at vegetation area, kahit na high tide at malakas ang ulan ay hindi ito alintana ng mga pumunta at karamihan dito ay naligo na lang sa ulan.

Bagamat inaasahan ang ganitong lagay ng panahon, hindi naman binigo ng ilang resort owners at mga negosyante na mag set-up ng fireworks na pinapaniwalaang pampaswerte sa pagpasok ng bagong taon.

Pagkatapos ng halos sampung minuto na fireworks display sa iba’t-ibang area sa Boracay, tuloy ang party sa mga disco bar at salo-salo sa media noche ng mga pamilyang naninirahan sa isla.

No comments:

Post a Comment