YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, August 12, 2013

Jonathan Yabut, nakipaglaban dahil sa pagiging matapang na Aklanon

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay


Nakipag-laban si Jonathan Allen Yabut sa The Apprentice Asia dahil sa kanyang pagiging matapang bilang Aklanon at Malinaonon.

Ito ang ipinahayag ng bente-siyete anyos na binata na tubong Malinao Aklan sa isinagawang welcome home sa kanya Biyernes, Agosto 9, sa nasabing bayan.

Anya, ang kanyang karanasan sa nasabing kompitisyon ay masasabi niyang isa umano sa mga pinakamahirap na nangyari sa kanyang buhay.

Minsan na din niya umanong naisip na mag-quit sa nasabing palabas pero sa tuwing nakikita niya ang kanyang Barong Tagalog at ang bandila ng Pilipinas ay iniisip niya na hindi para sa kanya ang laban kundi para sa bansa.

Ayon pa kay Yabut, nagpursigi pa siya na ituloy ang laban dahil sa kaniyang pagiging isang Malinaonon at Aklanon na hindi basta-basta sumusuko at matapang pagdating sa mga ganitong laban.

Dagdag pa nito, hindi siya naniniwala na ang pagiging matalinong tao ay namamana kundi ito ay natututunan habang bata pa at nagpupursiging matuto ng ibat-ibang bagay na makakatulong sa iyong sarili.

Si Jonathan, ang kauna-unahang Pilipinong nanalo sa The Apprentice Asia at inaasahang magsisimula na sa kaniyang trabaho sa darating na Agosto a-kinse bilang chief of staff ni Malaysian business tycoon Tony Fernandez sa Malaysia.

3 comments: