YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, August 14, 2013

PS/Insp. Cabural, iimbitahan ng SB Malay --- RE: illegal gambling sa Boracay

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Iimbitahan ng SB Malay si Boracay PNP Chief PS/Insp. Joeffer Cabural, hinggil sa illegal gambling sa isla ng Boracay.

Napatanong si Malay SB Member Floribar Bautista, kung bakit umano hindi mapatigil ng mga kapulisan sa isla ang aktibidad na ito, at ang PNP Regional Office pa umano ang nakapag-raid sa nasabing illegal poker.

Kaya agad namang iminungkahi ni Bautista sa kaniyang mga kasamahan sa konseho na imbitahin si Cabural sa session para ipaliwanag kung bakit nakakapasok na sa isla ang ganitong uri ng aktibidad.

Dagdag naman ni Bautista, magpapasa siya ng resolusyon para matigil na ang ganitong talamak na world class activity sa Boracay.

Matatandaang nitong mga nakaraang linggo lang ay nahuli ang mga Chinese National habang nagsusugal sa isang restaurant at ang pagkakaaresto sa isang Koreano na umano’y operator ng illegal gambling sa isla.

Samantala, sa darating na Agosto 20 ay inaasahang ipapatawag ng SB Malay si PS/Insp. Cabural para dito.

No comments:

Post a Comment