YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, August 16, 2013

Panibagong International flights sa Aklan, tuloy na sa 2014

Ni Jay-ar M. Arante,YES FM Boracay

Tuloy na sa 2014 ang panibagong International flights mula Singapore na maghahatid ng mga turista sa probinsya ng Aklan.

Ito ang kinumpirma ni DOT Boracay Officer In-Charge Tim Ticar, matapos ang pagpupulong kagabi kasama ang mismong Philippine Manager ng nasabing Airline company na si Chandran Menon at iba pang opisyales ng Department of Tourism.

Ayon kay Ticar, ngayong alam na ni Menon ang isla ng Boracay at ang probinsya ng Aklan sa kanilang pag-iinspeksyon.

Nangako naman umano itong magdadagdag ng dalawang flights na dalawang beses sa isang linggo, na magsisimula sa buwan ng Hulyo taong 2014.

Nauna nang sinabi ni Ticar, na iinaasahan nila ang panibagong international flights na ito na mula sa bansang Singapore.

Sa ngayon, pinaghahandaan na rin ito ng Department of Tourism dahil mas dadami pa ang mga turistang pupunta sa Boracay.

No comments:

Post a Comment