YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, August 16, 2013

BIWC sewer line expansion, pinamamadali na ng mga residente sa Bolabog

Ni Christy Dela Torre, YES FM Boracay

Pinamamadali na ng mga residente sa Sitio Bolabog ang sewer line extension ng BIWC o Boracay Island Water Company.

Bagama’t may ilang bahagi ng naturang area ang natapos na, ay nakakapag-dulot pa rin ito ng hindi magandang epekto sa ilang mga negosyante, partikular na sa mga kainan ang patuloy na trabaho doon.

Katunayan, ayon sa isang residente na may-ari ng isang kainan sa naturang area, naging matumal na umano ang kanilang benta, dahil may mga costumer sila na hindi na nakakabili dahil hindi makadaan ang mga ito.

Bukod dito, nagdudulot din umano ito ng alikabok at ingay.

Panawagan nito na sana’y matapos na ang nasabing expansion upang hindi na umano sila maabala lalo na sa kanilang negosyo.

Matatandaang sinabi ng BIWC na kanilang tatapusin ang kanilang sewer expansion sa Bolabog sa buwan ng Hulyo.

No comments:

Post a Comment