YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, August 12, 2013

The Apprentice Asia Champion, mainit na tinanggap ng mga Aklanon

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Mainit na tinanggap ng mga kababayang taga Malinao at ng mga taga Aklan ang kauna-unahang nanalong Pilipino sa The Apprentice Asia noong Biyernes, Agosto 9, sa kanyang pagdating sa Kalibo International Airport.

Siya ay si Jonathan Allen Salazar Yabut na tubong Tambuan, Malinao, Aklan.

Marami ang nag-abang kay Jonathan kabilang na ang mga estudyante at guro ng mga paaralan sa Malinao, ibat-ibang media sa bansa, NGOs at ang mga opisyal ng pamahalaang lokal ng Aklan.

Sinundan naman ito ng parada patungo sa bayan ng Malinao at doon ay nagkaroon ng maikling programa at pagkilala sa kagalingang ibinahagi ni Jonathan sa bansa.

Ang kanyang pagbisita kahapon sa kanyang tinubuang lupa ay naging inspirasyon at higit na ipinagmamalaki ng kanyang mga kababayan.

Ibinahagi naman nito ang kanyang tagumpay sa mga kababayan at kung paano niya napagtagumpayan ang kanyang narating ngayon.

Nagbigay din siya ng mensahe katulad ng mangarap at abutin ito, maging matapang sa mga pagsubok at harapin ang bukas ng may pag-asa.

Aniya, ang pagiging isang lider ay pagbibigay ng espasyo sa kanyang mga taga-sunod para sila rin ay kuminang.

Samantala, sa kanyang pagbabalik sa Malaysia para inaasahang magsisimula na siya sa kanyang trabaho sa Air Asia bilang chief of staff.

No comments:

Post a Comment