YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, August 12, 2013

Comelec Malay, kasado na ang preperasyon para sa barangay at SK elections

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Kasado na ang ginagawang preperasyon ng Comelec Malay para sa barangay at SK elections sa darating na Oktobre 28 ngayon taon.

Ayon kay Malay Comelec Election Officer II Elma Cahilig, pinadalhan siya ng sulat ng Malay PNP para imbitahin sa isasagawang aktibidad ng mga kapulisan bukas tungkol sa paghahanda nila sa eleksyon.

Aniya, mayroon na rin silang ginawang time table kung ano ang kanilang dapat gawin lalo na sa pagpapatupad ng seguridad sa buong bayan ng Malay, lalo na sa isla ng Boracay.

Dagdag pa ni Cahilig, ipapatupad ng Comelec ang gun ban 30 araw bago sumapit ang eleksyon.

Ito ay inaasahang magsisimula sa buwan ng Septyembre 28 at magtatapos naman sa Nobyembre 12.

Samantala, ang filing of candidacy ng mga tatakbong kandidato sa barangay at SK elections ay gaganapin mula Oktobre 15-17 ng taong kasalukuyan.

1 comment: