YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, August 13, 2013

Pagdagdag ng mga pasilidad sa ospital ng Boracay, kinumpirma ng DOT

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Hindi lang ospital kung hindi talagang magandang ospital na may mga pang-world class na pasilidad.

Ito ang kinumpirma ni Department of Tourism (DOT) Boracay Officer in Charge Tim Ticar kaugnay sa plano ng pamahalaang probinsya ng Aklan para sa ospital sa Boracay.

Sa ginanap na pagpupulong ng mga regional director ng iba’t-ibang national agencies nitong Sabado sa bayan ng Kalibo ay napag-usapan ang mga programa para sa Kalibo, Boracay at buong probinsya ng Aklan.
Kung saan sinabi ni Ticar ang tungkol sa planong dagdagan ang mga kuwarto sa ospital ng Boracay, pati na ang mga pasilidad nito upang matugunan ang pangangailangan ng mga turista.

Ang bagay din umanong ito ang isa sa mga tinitingnan ng DOT.

Samantala, iginiit naman ni Ticar na dapat lamang na paunlarin ang ospital dito, bilang paghahanda na rin sa APEC Asia-Pacific Economic Cooperation 2014-2015.

1 comment: