YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, August 12, 2013

Konstraksyon ng main road sa Manoc-Manoc, pinangangambahan ng DOT Boracay

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Pinangangambahan ng Department of Tourism Boracay ang ginagawang konstraksyon sa main road ng Brgy. Manoc-Manoc dahil sa nagdudulot ito ng trapiko at mapanganib ang nasabing daanan para sa mga motorista.

Ayon kay DOT Boracay Officer In-Charge Tim Ticar, nangangamba siya dahil may porsyon sa nasabing lugar na mataas ang bahagi ng kalsada na kadalasan ay nagkakaroon ng aksidente lalo na at walang traffic enforcer na naka deploy dito minsan.

Aniya, kung siya lang ang tatanungin ay gusto nitong gawin munang one way ang kalsada sa nasabing lugar habang ito ay under construction pa.

Tinatawagan naman ni Ticar ang contractor nito pati na ang MAP, local at barangay officials, gayon din ang LGU Malay para mabigyan agad ito ng pansin.

Dagdag pa nito, sadyang delikado ang bahagi ng kalsada na may paakyat at kung magkakaroon ng trapik ay maaaring may bumaliktad na sasakyan kung mawawalan sila ng balansi.

Samantala, nananawagan ngayon ang DOT sa lahat ng concern agencies na maaksyunan na ito agad bago pa may mangyaring aksidente.

No comments:

Post a Comment