Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay
Halos mag-iisang linggo na nang ipatupad ang bar enclosure
sa Boracay.
Subali’t sa halip ng pag-asang tutupad sa usapan ang mga bar
owners at operators sa Boracay, ay may ilan pa rin umanong lumalabag.
Kung kaya’t dismayadong sinabi ni Boracay Island Administrator
Glen Sacapaño na kanyang ipapatawag ang mga lumalabag na ito.
Kinumpirma umano kasi sa kanya ng mga taga-MAP o Municipal
Auxiliary Police na hindi pa rin naglalagay ng sound proofing sa kanilang bar
ang mga naisumbong na mga violators.
Nabatid na tuwing alas-12 ng hatinggabi ay nagpapatrolya ang
mga MAP, at nagpapaalalang dapat ay wala nang ingay na lumalabas sa mga bar sa
Boracay.
Kaugnay nito, sinabi ni Sacapaño na dapat magpaliwanag ang
mga lumalabag sa kasunduan kung bakit hindi sila sumusunod, gayong tinanggap at
pinirmahan nila ang MOA o Memorandum of Agreement mula sa LGU Malay.
Ang naturang bar enclosure ay inilarga nitong nagdaang
Agosto a uno, sa pamamagitan ng isang memorandum of agreement ng alkalde ng
Malay sa mga bar operators sa isla.
Nakasaad dito na dapat gawing sound proof na ang kanilang
mga bars upang pagsapit ng alas dose ng hatinggabi ay i-enclose o isara na nila
ito upang makapaglikha ng sobrang ingay na siya namang inirereklamo ng mga
nagpapahingang turista.
No comments:
Post a Comment