Pinagpaliwanag ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang
Department of Environment and Natural Resources (DENR) - Aklan.
Ito ay kaugnay di umano ay mali-maling pagsisiyasat sa mga
lupa sa probinsiya gawa ng mga surveyor ng DENR kasama na ang pagsisiyasat sa
mga lupain sa Boracay.
Subalit sa ginawang pagpapaliwanag ni Provincial Environmental
Natural Resources Officer (PENRO) – Aklan Ivene Reyes sa SP.
Sinabi nitong ang mga surveyor na ito ay ipinadala lamang at
kinuntrata ng DENR Regional Office.
Mariing itinanggi rin umano ayon kay SP Secretary Odon
Bandiola ni Reyes na nagmumula ang delay o pagka-antala sa pagpo-proseso at pagbibigay
ng titulo sa DENR.
Sapagkat ayon sa PENRO ang Land Registration Authority (LRA)
naman ang gumagawa nito maging sa computerization ng mga titulo.
Kaya sa pagbibigay ng titulo, hindi umano dapat masisi ang
DENR at sa pagsisiyasat naman ay dapat ang kinuntratang mga surveyor ang
managot.
Pinagpaliwanag si Reyes ng SP dahil na rin sa nakita ng
legislative body ng probinsya na balido naman ang ipina-abot na reklamo ng
Concern Aklanon sa isang kulumnista ng pahayagn kaugnay sa usaping ito.
No comments:
Post a Comment