Luha ang naging kabayaran ng pagpasok ng isang tattoo artist
sa isang videoke bar kagabi, sa sitio Angol, Manoc-manoc Boracay.
Hindi dahil sa malungkot na awiting narinig nito doon kundi
sa pagkakaaresto sa kanya ng mga pulis dahil sa ipinagbabawala na droga, na
umano’y ibinibenta nito.
Sa isang buy-bust operation na isinagawa ng mga taga Boracay
PNP, narekober mula sa trentay tres anyos na suspek na si RJ Besana ng Negros
Occidental ang isang plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu.
Kasama na rito ang ilang marked money, pepper spray, cell
phone at abre lata.
Bagama’t inamin nito ang kanyang paggamit ng ipinagbabawal na
gamot, itinanggi naman nito ng luhaan ang pagbi-benta ng shabu.
Nakatakda namang ipa-drug test sa bayan ng Kalibo ang suspek
kasama ang narekober na droga.
No comments:
Post a Comment